Mga NPA na nagpasabog sa isang lugar sa Masbate na ikinasawi ng isang football player at pinsan nito, tinututugis na ng PNP

451

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa naganap na pagsabog sa Masbate City.

Sa naganap na pagsabog nasawi ang football player ng Far Eastern University na si Keith Absalon at pinsang nitong si Nolven na nagbibisekleta lamang sa lugar nang mangyari ang pagsabog.


Ayon kay PNP Chief, nasawi sa pagsabog ang mga inosenteng kabataan kaya kinokondena nila ang pangyayari at tiniyak na hindi titigil sa pagtugis sa mga teroristang NPA.

Nakikiramay rin si PNP Chief sa pamilya ng mga nasawing kabataan dahil sa pagsabog.

Sa inisyal na imbestigasyon Improvised Explosive Device (IED) ang pinasabog ng mga NPA dahilan para masawi ang dalawang kabataan.

Sa ngayon, iniutos na rin ni PNP Chief sa local police na mas paigtingin ang presensya nila sa lugar para sa kaligtasan ng mga residente.



Nakikipag-ugnayan na rin ang local police sa militar para a patuloy na manhunt operations.


Facebook Comments