Mga OFW sa Middle East, pauuwiin kapag umiiral pa rin ang Kafala system – Duterte

49

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na pauuwiin ang mga Pilipinong manggagawa kapag patuloy pa ring ipapatupad ng ilang bansa sa Middle East ang kafala system.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), muling ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang pagbuwag sa kafala system, o ang kontrobersyal na sponsorship system para sa migrant workers.


Giit ng Pangulo, hindi patas at makatwiran ang pagpapatupad nito lalo na sa makabagong panahon.

“We called on the world to dismantle the heinous kafala system because the Filipino is no slave to anyone anywhere and there is no room for modern-day slavery. We help start a global civil rights movement for migrant workers,” sabi ng pangulo.

“To everybody in the Middle East, I would like to tell them that not only Filipinos but all human beings, the kafala has no place there because it is a setup for slavery. Either you correct or we will ask workers Filipino workers to go home,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Sa ilalim ng kafala system, binibigyan ang employer ng kontrol sa galaw at legal status ng mga banyagang manggagawa sa kanilang bansa.



Facebook Comments