Mga OFW sa Sri Lanka na nais ng umuwi ng Pinas, pinayuhan na makipag-ugnayan sa DFA

53

Pinayuhan ng Malacañang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais nang umuwi ng Pilipinas mula Sri Lanka na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Dhaka o Honorary Consulate sa Colombo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan, nananatiling “on top of the situation” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng economic crisis sa Sri Lanka.

Batay sa DFA, may 581 Pilipino sa Sri Lanka at karamihan sa mga ito ay patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa South Asian nation.


Ang Sri Lanka ay kasalukuyang nakakaranas ng financial crisis na naging dahilan ng kakapusan sa mga pangunahing bilihin at langis.

Facebook Comments