Mga OFW, target na mabigyan ng mas mura o libreng remittance service

73

Manila, Philippines – Target na mabigyan ng mas mura o libreng remittance at mas murang tubo sa pautang ang mga Overseas Filipino Worker.

Ito ay sa pamamagitan ng executive order no. 44 o ang pagbuo ng Overseas Filipino (O-F) bank.

Sa ilalim nito, gagawing Overseas Filipino Bank ang Philippine Postal Saving Bank o Post Bank.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, target nito na bigyan ng competitive micro finance at competitive micro finance ang mga pinoy abroad.

Tiniyak naman ni Bello na dadagdagan nila sa susunod na taon ang 20 branch ng Overseas Filipino Bank.

Maliban rito, maglalagay rin aniya sila ng kinatawan mula sa OWWA, DOLE at OFW sa O-F Bank.

Facebook Comments