Mga OFWs at seafarers, dapat gawing prayoridad sa pagbabakuna

35

Hinimok ni Senator Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers.

Sa Talk to the Nation ni Pangulong Duterte kagabi, sinabi ni Senator Go kailangan ito upang maipresenta ng mga OFW at seafarers ang kanilang deployment order o kontrata sa kanilang foreign employer.


May mga employer kasi aniya na tanging ang mga nagtatrabaho lamang na naturukan ng kanilang ginustong bakuna ang kanilang papapasukin o padadaanin sa kanilang bansa.

Sinuportahan naman ni Pangulong Duterte ang suhestiyon pero isasangguni muna niya ito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil magkakaroon na naman ng pilian sa bakuna.

Facebook Comments