Mga opisyal ng B-I, aviation police at BOC na nangbibiktima ng mga pasahero sa airport – ipapatapon din ni Pangulong Duterte sa Sulu at Basilan

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong RodrigoDuterte na ipatatapon sa Jolo, Sulu at sa Basilan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration,Aviation Police at Bureau of Customs na mahuhuling nangbibiktima ng mgapasahero sa airport.
  Ayon kay Pangulong Duterte – ito ay dahil sa hindi niyapatatawarin ang mga mapang-abusong tauhan ng gobyerno sa mga pasahero saairport lalo na sa mga Overseas Filipino Workers.
  Banta ng pangulo – kapag nagkamali ang isang kawani nggobyerno, lahat sila ay sisibakin kasama na ang supervisor.
  Ayon sa pangulo, dapat magsama-sama ang mga  ito sa mga police scalawags na una nangitinapon ng pangulo sa Jolo at Basilan.

Facebook Comments