Mga opisyal ng Lanao Del Sur, napasok na ang main battle area sa Marawi City

63

Marawi City – Nakapasok na ang mga lokal na opilsyal ng Lanao Del Sur sa main battle area sa Marawi City.

Kasama ng mga lokal na liders ay ang 22 regional at provincial elected officials, dalawang kongresista at 40 alkalde ng probinsya.

Ayon kay Lanao Del Sur Vice Governor Mamintal Adiong – pinag-aaralan nila kung magkakaroon ng ‘rebuild’ o ‘relocate’ na lamang sa mas maayos na lugar.

Labis na nanghinayang ang ilan sa mga opisyal sa mga dinatnang mga bahay na tanging pundasyon na lamang ang naiwan at mga pader na tadtad ng tama ng bala.

Dahil wala ng terrorist stragglers sa loob, malaya nang makakapasok ang mga residente sa ilang barangay na idineklarang ‘cleared’ ng militar.

Facebook Comments