Mga opisyal ng pamahalaan, binalaan na ayusin ang kanilang mga trabaho

87

Binalaan ni House Committee on Appropriations at ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap ang mga opisyal ng gobyerno na ayusin ang kanilang mga trabaho sa gitna na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Yap, gamit ang makabagong teknolohiya ay mabilis na nakapagsusumbong ang mga empleyado ng pamahalaan laban sa kanilang mga tiwaling opisyal.

Personal aniya siyang nakatatanggap ng mga sumbong gamit ang Facebook at E-mail.

Ilan aniya sa mga sumbong mula sa ilang mga kawani ng ahensya ay kung paano winawaldas ng ilang mga opisyal ang pondo ng ahensya.

Dahil dito, kapag humaharap na sa budget hearing ng kaniyang komite ang inirereklamong opisyal para humingi ng pondo ay sinasabi nito ang mga sumbong upang mabalaan na rin na gawin ng maayos ang tungkulin.

Facebook Comments