Mga opisyal ng pamahalaan, dapat magkaroon ng kongkretong pahayag at paninindigan ukol sa Recto Bank incident

783

Umapela si Senator Joel Villanueva sa mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng iisang pahayag at paninindigan kaugnay sa Recto Bank incident upang maiwasan ang kalituhan.

Ayon kay Villanueva, may ilang miyembro ng gabinete na nagsabing nagbangaan ang Chinese vessel at Filipino fishing boat, pahayag naman ng ilan ay sinadya ang pagbangga habang ang ilan sa gabinete ay nagsabi na aksidente lang sa karagatan ang nangyari.


Diin ni Villanueva, hindi dapat maliitin ang masalimuot na karanasan ng ating 22 mangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) kaya dapat maging klaro ang bawat galaw at pahayag ng mga government officials.

Giit pa ni Villanueva, ang Recto Bank ay sakop ng Exclusive Economic Zone kaya dapat sa Pilipinas litisin at papanagutin ang mga crew ng Chinese fishing vessel na sangkot sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers