MGA OPISYAL NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PRINOKLAMA NA KAHAPON

Mabilis at maayos ang naging transmission ng mga boto mula sa 47 bayan at tatlong siyudad sa Pangasinan sa ginanap na halalan noong lunes.

Sa Pamahalaang Panlalawigan, magtatanghali pa lang ay nag-umpisa na ang pagproklama sa mga provincial positions mula sa pagka gobernador hanggang sa mga bokal na nagtagal hanggang hapon.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling mauupo bilang gobernador si Ramon Guico III na nangakong ipagpapatuloy ang naumpisahan nitong mga proyekto sa probinsya.

Kasabay niya rin ang nasa huling termino na si Vice Governor Mark Lambino.

Samantala, limang incumbent na kongresista ang nagwagi at naiproklama samantalang isa ang nagbabalik.

May mga bago ring maglilingkod na magiging kinatawan ng bawat distrito sa Sangguniang Panlalawigan na naglahad ng kanilang taos pusong pasasalamat at mga pangako sa ngalan ng serbisyo publiko.

Sa pagtatapos ng halalan ito lamang ay nagrerepresenta ng kalayaan ng bawat Pilipino na pumili. At sa bawat pagpili ay sumasalamin sa kung anong pag-asa ang nais makamtan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments