Mga opisyal ng Philhealth ipinatawag ng Pangulo sa Malacañan

441

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philippine Heath Insurance Corporation o Philhealth kaugnhay sa anomalya sa naturang ahensiya ng Pamahalaan.

 

Ayon kay Panelo, gusto ng Pangulo na malaman ang buong detalye ng issue sa mga opisyal ng Philhealth.


 

Magaganap aniya ang pulong na ito bago ang nakatakdang cabinet meeting mamayang hapon.

 

Kinumpirma naman ni Health Secretary Francisco Duque III na kasama siya sa pulong mamaya kay Pangulong Duterte kasama ang mga opisyal ng Philhealth.

 

Hindi naman makumpirma ni Panelo ang lumalabas sa balita na pinagsusumite ni Pangulong Duterte ng resignation letters ang mga opisyal ng Philhealth dahil sa maanomalyang dialysis claims.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na plano niyang balasahin ang mga opisyal ng Philhealth.

Facebook Comments

From Advertisers