Mga opisyal ng PhilHealth, ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay ng kontrobersyal na “ghost kidney treatment”.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ng pangulo na malaman ang buong detalye ng isyu.

Magaganap ang pulong bago ang nakatakdang Cabinet Meeting sa Malacañang ngayong hapon.


Hindi naman makumpirma ni Panelo ang lumalabas na balitang pinagre-resign na ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng PhilHealth.

Pero noong nakaraang Linggo, sinabi ng pangulo na plano niyang balasahin ang mga opisyal nito.

Naniniwala naman ang Malacañang na hindi aabot sa pinakamataas na opisyal ng PhilHealth ang kuntsabahan kung totoo man ang anomalya.

Facebook Comments