Mga organizer, tiniyak na walang pagbabago sa mga venues ng 2021 Tokyo Olympics

31

Tiniyak ng mga organizer ng Tokyo Olympics na walang aniyang pagbabago sa mga venue na gagamitin alinsunod sa naunang plano.

Ayon sa ulat, patuloy pa rin ang ginagawa nilang paghahanda sa nasabing sporting events.


Nabatid na nakatakda magbigay ng mga update at ulat ang organizers sa international Olympics sa darating na July 17, 2020.

Matatandaang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at International Olympic Committee President Thomas Bach na ipagpaliban na lamang ang Olympics ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments