Mga ospital at health centers, pinaghahanda ng COVID-19 kits

26

Pinaghahanda ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran ang mga ospital at mga health centers ng standard COVID-19 kit para sa mga pasyente.

Ang rekomendasyon ng kongresista ay bunsod ng impormasyong umaabot hanggang 200 ang bilang sa pila ng mga pasyenteng nahihintay sa sasakyan habang hindi na-a-admit sa ospital.


Ang COVID-19 kit ay ibibigay para sa mga pasyenteng may mild at moderate cases na hindi kaagad ma-a-accommodate dahil sa kakulangan ng kwarto ng ospital.

Maglalaman aniya ito ng standard na gamot laban sa COVID-19 at ibibigay sa mga pasyente upang hindi lumala ang kondisyon.

Kasabay pa nito ay hinimok ni Taduran ang lahat ng barangay na magkaroon ng standby oxygen tanks at refills na magagamit habang nagbibiyahe ng pasyente lalo na iyong kritikal.

Ang mga ito kasi aniya ang tiyak na tatakbuhan ng mga pamilya sa kanilang komunidad na walang malalapitan para makahingi ng tulong.



Facebook Comments