MGA PAARALAN SA DAGUPAN CITY, NAGSIMULA NA SA PAG-AAYOS PARA SA BALIK ESKWELA 2025

Nagsimula na ang ilang paaralan sa Dagupan City na mag-ayos ng mga kagamitan at pasilidad na gagamitin para sa balik eskwela ng mga mag-aaral.
Naganap kahapon ang kick-off ceremony kung saan nagsama-sama ang mga guro, mga magulang at ilang mag-aaral para sa pagsasagawa ng ilang aktibidad tulad ng motorcade parade, exercises at iba pa.
Bago ang naturang balik eskwela ay nagsagawa rin ang mga guro ng distribusyon ng mga flyers, pag-assess sa mga papasok na grade 1 learners at child mapping bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2025.
Isa ito sa hakbang upang mapagtibay pa ang ugnayan ng mga paaralan sa mga magulang ng mga mag-aaral upang patuloy na pumasok sa eskwela at maging ang komunikasyon ng bawat mag-aaral tungo sa magandang kalidad ng edukasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments