MGA PAARALAN SA LALAWIGAN, SINUSUYOD NA RIN NG PSA PANGASINAN PARA SA PAGPAPALAWIG NG NATIONAL ID

Sinusuyod na rin ng Philippine Statistics Authority Pangasinan ang mga paaralan sa lalawigan para sa pagpapalawig pa ng registration ng National ID.
Kamakailan ay bumisita na ang ahensya sa isang paaralan sa San Carlos City kung saan napag-alaman na sa anim na libo nitong mga estudyante, dalawandaan pa sa mga ito ang hindi pa nakakapag parehistro sa EPhil ID.
Ayon kay PHILSYS Pangasinan Focal Person, Christopher Flores, ang pagpunta nila sa mga paaralan ay para ipaalam sa mga estudyante ang kahalagahan at mga benepisyo ng pagkakaroon ng National ID.

Importante na maibigay sa mga nagparegister ang kanilang mga EPhil ID habang wala pa ang PVC type.
Wala naman umanong pinagkaiba ang dalawang ID dahil parehas naman itong matatanggap bilang mga valid IDs.
Samantala, higit dalawang milyon na mga Pangasinense na ang nakapagparehistro sa PhilSys at nasa isang milyon naman ang na-isyuhan na ng EPhil IDs. |ifmnews
Facebook Comments