Mga pamilyang binaha sa Solana, Cagayan, nakatanggap ng mga vegetable seeds mula sa DA

35

Nakatanggap ng mga vegetable seeds mula sa Department of Agriculture (DA) ang nasa 1,000 pamilya na kabilang sa mga binaha sa Barangay Iraga, Solana, Cagayan.

Nagkakahalaga ng P250,000 ang 2,000 pakete ng iba’t ibang uri ng binhi ng gulay ang ipamimigay na tulong sa mga residente.


Ipinagkaloob ng DA Field Office 2 ang mga vegetables seeds kay Solana Mayor Jennalyn Carag at Iraga Barangay Captain Cynthia Edillo.

Bawat pamilya ay bibigyan ng tig-dalawang pakete ng binhi na itatanim sa 300 square meter vegetable garden bilang livelihood assistance sa barangay.

Ginawa ang pamamahagi ng tulong pagkatapos bisitahin ni Pangulong Duterte ang lalawigan.

Facebook Comments