MGA PAMPASAHERONG TRICYCLE SA LINGAYEN, HINDI PA RIN NAGTATAAS NG PAMASAHE SA KABILA NG SUNOD-SUNOD NA PAGTAAS NG PRESYO NG PETROLYO

Apektado na rin ang mga pampasaherong tricycle sa Lingayen, Pangasinan sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo na nagdudulot ng dagdag gastos sa kanilang pamamasada.

Isa sa mga nakararanas nito ang tricycle driver na si Mang Antonio na sampung taon nang namamasada sa bayan.

Ayon sa Department of Energy (DOE), tumataas ang presyo ng petroleum gas at iba pang produktong petrolyo dahil sa matinding tensyon sa Middle East.

Sa kabila nito, sinabi ni Kagawad Federico Dizon, na sampung taon na ring namamasada at kasalukuyang pangulo ng Barangay Maniboc TODA, na patuloy pa rin silang bumibiyahe at hindi sila nagtaas ng pamasahe kahit nararanasan ang pagtaas ng bilihin.

Samantala, kinumpirma ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na sa ngayon ay wala pang planong tigil-pasada ang mga tsuper at mas pinagtutuunan nila ng pansin ang panawagan para sa fuel subsidy mula sa pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments