Pangakong napapako’ yan ang madalas umanong nangyayari tuwing pagkatapos ng eleksyon.
Ito ang dahilan para paniwalaan ng ilang Pangasinense na paraan ito ng panloloko ng mga kumakandidato matapos Silang maihalal sa puwesto.
Ayon sa ilang Pangasinense, nakakadala umano ang matatamis na pangako at atensyon na iginugugol ng isang kandidato tuwing nangangampanya ngunit nakakadismaya na wala nang pakialam kapag naluklok na sila.
Isang halimbawa umano ang mga proyekto na hindi na naisasakatuparan pagkatapos ng kanilang panunungkulan at hirap ng nang hagilapin ang mga ito.
Bagamat may mga ilang kandidato ang sanay nang hindi tuparin ang kanilang ipinangako, positibo naman ang ilang Pangasinense na may mga Ilan pang nagnanais magserbisyo publiko na tapat sa kanilang tungkulin at pangako.
Samantala, nanatili pa rin ang pag-asa sa ilang Pangasinense na maipakita ng mga kandidato na tutparin nila ang kanilang plataporma na siyang batayan ng kanilang dedikasyon sa Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨