Mga pangalan na posibleng maging susunod na kalihim ng DOH, mahuhusay at kwalipikado – Health Sec. Duque III

272

Kinumpirma ni Secretary Fracisco Duque III na mayroon na siyang mga naririnig na pangalan na posibleng italaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Duque, kilala niya ang mga lumulutang na pangalan para sa posisyon na pawang mahuhusay, kwalipikado, at may magandang track record sa serbisyo publiko.

Tiniyak naman ng kalihim na handa na ang ahensya para sa transition plan at ipinahahatid na rin ang mga posibleng hamon na kakaharapin ng sa susunod na administrasyon.


Kabilang dito ang pagpapatuloy ng resulta ng mga nagawa ng Duterte administration sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, pagpapalawig ng primary care services sa ilalim Universal Healthcare Law, at pagpapalawak ng COVID-19 booster coverage.

Facebook Comments