MGA PANGASINENSE, NAGPAABOT NG SUPORTA SA PAMBATO NG PANGASINAN SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025

Opisyal nang ipinakilala ng Miss Universe Philippines Organization ang 69 official delegates ng Miss Universe Philippines 2025 sa naganap na Big Reveal nitong Sabado, February 15 sa Makati City.

Kabilang sa mga naggagandahang kandidata ay ang ating pambato na si Andrea Ravanzo Cayabyab, matapos nitong maipanalo ang Miss Universe Philippines-Pangasinan noong nakaraang Enero dahil sa pagpapakita nito ng husay sa pagsagot sa question and answer portion, pagpapakita ng talento, at galing sa pagrampa.

Nagpaabot ng suporta ang maraming Pangasinense Kay Andrea sa kaniyang pagrampa sa entablado ng Miss Universe Philippines ngayong taon.

Ayon sa ilang Pangasinense, bagamat may mga kandidato ng beterana hindi magpapahuli ang ganda, determination talinong dala ni Andrea.

Dahil dito, hinihikayat ng lokal na Pamahalaan ng San Fabian na makiisa sa pagsuporta lalong lalo na sa mga voting segments ng naturang pageant.

Mula sa 69 official delegates na ito, kabilang si Andrea, ay magtatagisan ng beauty and brain upang maiuwi ang korona bilang Miss Universe Philippines na siya namang magprepresenta ng ating bansa sa gaganaping Miss Universe 2025 sa Thailand sa darating na Nobyembre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments