Mga panukala kontra investment scam, nakabinbin sa Kongreso

44

Manila, Philippines – May nakabinbing panukala na sa Kongreso para mawakasan ang investment scam.

Ayon kay Ako-Bicol Representative Alfredo Garbin Jr. – maaring sagot sa problema ang House Bill 8791 at Senate Bill 1334.


Layunin aniya nito na pagtibayin pa ang kapangyarihan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Malaki ang maitutulong nito para maiwasan ang mga scam at mabigyan ng karampatang parusa ang mga nabibiktima nito.

Umaasa ang mambabatas na sesertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ito bilang urgent sa darating na 18th Congress.

Facebook Comments

From Advertisers