
Nangako ang ACT Teachers Party-list na babalangkas ng mga panukalang batas na ihahain sa 20th Congress na layuning tumugon sa mga problema sa sektor ng edukasyon.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, ibabatay nila ang isusulong na mga panukalang batas sa lilitaw ng mga problema sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa mga pampublikong paaralan.
Mensahe ito ni Castro, kasabay ng paglulunsad nila ngayong araw ng “Bisita-Eskwela” kung saan magsasagawa sila ng konsultasyon sa ilang piling school administrators at mga guro.
Kabilang sa mga paaralan na planong bisitahin ng ACT Teachers Party-list ngayong araw ay ang Batasan Hills National High School, Melencio Elementary School, Caloocan Central Elementary School, at San Francisco High School na pawang nasa Quezon City.
Ayon kay Castro, iimbestigahan din nila ang matagal nang problema sa mga paaralan gaya ng pagsisiksikan ng mga estudyante, kakulangan sa classrooms, shifting sa class schedules, at implementasyon ng blended learning.