Sunday, November 15, 2026

Mga panukalang magbibigay-proteksyon sa mga alagang hayop, kailangang agad maisabatas

Nananawagan si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima sa mga kapwa mambabatas na iprayoridad ang pagsasabatas ng panukalang magbibigay proteksyon sa mga alagang hayop.

Kabilang sa tinukoy ni De Lima ang mga panukalang Animal Welfare Enforcement Act at Revised Animal Welfare Act na pawang may layuning matuldukan ang karahasan at higit na maipaunawa ang nararapat at makataong pagtrato sa mga hayop.

Mensahe ito ni De Lima, kasunod ng pagtatapon sa San Jose del Monte, Bulacan ng 29 na mga labi ng aso at pusa.

Para kay De Lima, nakakaalarma at kasuklam-sulam ang kawalanghiyaan na ginawa sa nabanggit na mga alagang hayop.

Ayon kay De Lima, hindi ito dapat konsintihin kaya dapat managot ang may kagagawan nito laban sa mga pumanaw na mga inosenteng aso at pusa na labis ipinagluluksa ng mga nagmamay-ari sa kanila.

Facebook Comments