Mga party-list group na may pending na DQ case, hindi ipoproklama – Comelec

132

Hindi makakatanggap ng certificate of proclamation ang mga party-list group na nanalo noong eleksyon pero may pending na disqualification case.

Ito ang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) matapos nilang ianunsyo na ngayong alas-4:00 ng hapon ipoproklama ang mga nanalong party-list group.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, hindi nila bibigyan ng certificate of proclamation kung ang diskwalipikasyon ay laban sa isang nominado ng party-list pero maipoproklama naman ang organisasyon.


Aniya, tukoy naman na nila ang mga nanalong party-list group na may naka-pending na disqualification case.

Facebook Comments