Mga pasahero, dagsa sa NAIA departure area matapos luwagan ang palabas ng bansa

79

Matapos luwagan ang palabas ng bansa, dagsa na ang mga pasahero sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Karamihan sa mga pasaherong lumalabag ngayon ng bansa ay mga Chinese na nakasuot pa ng PPEs bago sila pumasok sa departure area ng NAIA Terminal 1.


Mayroong 103 commercial flights ang naka-schedule na umalis sa NAIA ngayong araw ng Biyernes, October 23, 2020.

Ayon naman sa Manila International Airport Authority (MIAA), mayroong namang 17 airlines na may commercial flights ang naka-schedule na umalis sa NAIA Terminals 1, 2 at 3.

Nilinaw naman ng MIAA na posibleng magkaroon ding pagbabago sa mga naka-schedule na flights kaya pinapayuhan ang mga pasaherong papaalis ngayong araw na tumawag muna sa kanilang airlines bago magtungo ng paliparan upang maiwasan ang abala sa kanilang paglalakbay.

Mahigpit din na pinaiiral ang health protocols sa NAIA terminals sa harap pa rin ng banta pa rin ng COVID-19.




Facebook Comments