Mga pasahero ng MRT3, bus muna ang gagamitin sa Holy Week

13

Wala munang operasyon ang MRT ngayong Holy Week ayon sa DOTr. Dahil dito bus muna ang gagamitin ng mga pasahero ng MRT, ayon sa DOTr parehas ang ruta ng bus sa ruta ng MRT na dadaanan.

 

Tulad ng sa MRT ganun din ang bayad sa pamasahe sa bus depende kung saan ka sasakay at bababa.

 

Tatagal ang ganitong sitwasyon mula April 15 hanggang April 17 at April 20 hanggang 21.

 

140 buses ang gagamitin upang pumalit sa serbisyo ng MRT mula alas 5 ng madaling araw hanggang alas 9 ng gabi.

 

 

Ayon sa DOTr ito ay para bigyang daan ang pagkukumponi sa pasilidad ng mrt para mas mapaayos ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments