
Nasagip ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Balicasag ang 14 na pasahero ng tumaob na motorbanca sa karagatan na pagitan ng Balicasag Island at Panglao, Bohol.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakatanggap sila ng impormasyon hingil sa tumaob na MBCA Ayoshi Kim Rin 8 kaya’t agad silang tumuloy sa nasabing lokasyon, sa kabila ng masang panahon.
Matapos marating ang lugar, dito nila nakita ang mga tripulante na nakapatong sa tumaob na motorbanca.
Ligtas namang na rescue ang labing 12 pasahero, isang boat captain, at isang crew member, at agad itong inilipat sa dalawang motorbanca na MBCA Nika at Niah Naj.
Nahatak naman ang tumaob na bangka patungo sa baybayin ng Panglao, at nagbigay rin ng kinakailangang tulong sa mga biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PCG, nagkaroon ng malfunction at huminto ang MBCA Ayoshi Kim Rin 8 dahil sa malalaking alon at malakas na hangin na nagdulot ng pinsala, kaya’t nawalan ito ng kontrol habang patungo sa karagatan ng Panglao.