Mga pasahero sa Araneta bus terminal, matumal pa rin

52

Matumal pa rin ang pagdating ng mga pasahero sa Araneta bus terminal ilang araw bago ang Semana Santa.

Ito ay dahil sa wala nang biyaheng Bicol at Visayas sa nasabing terminal.

Sa ngayon, tanging biyaheng Tarlac, Pampanga, Batangas at Laguna na lamang ang ruta rito.


Paalala sa mga pasahero, nasa PITX na ang bus na masasakyan papuntang Bicol at Sta. Rosa naman ang papuntang Visayas.

Habang ang ibang biyahe papunta sa iba pang malalayong lalawigan ay inilagay na sa terminal sa Bocaue, Bulacan.

Kung maaalala, nagdesisyon ang gobyerno na alisin na ang provincial bus sa EDSA upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.



Facebook Comments