Mga pasahero, walang reklamo sa dagdag singil sa pamasahe sa jeep

71

Hindi tutol ang mga pasahero sa dagdag pisong minimum fare sa jeep na sinimulang ipatupad ngayong araw.

Base sa mga nakausap nating mga pasahero na nag-aabang sa Quezon City Circle na dinadaanan ng iba’t ibang ruta ng jeep, lahat ng pasahero ay pabor sa dagdag piso sa pamasahe.

Ayon sa kanila, naiintindihan nila ang sitwasyon ng mga driver dahil sa taas ng presyo ng diesel.


Sa pisong bubunutin sa bulsa pasahero, higit sa isang daang piso naman ang dagdag sa kikitain ng mga driver.

Samantala, nagpapasalamat ang mga driver pero ayon sa kanila hindi baleng walang dagdag singil sa pamasahe basta pababain lang ang presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments