Mga pasaherong hahabol na makauwi sa probinsya, inaasahang dadagsa sa PITX mamayang hapon

51

Inaasahang mas marami pang pasahero ang maghahabol na makauwi sa kani-kanilang probinsya, ilang oras bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ngayong umaga, medyo maluwag pa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) pero inaasahang dadagsa ulit ang mga pasahero mamayang hapon.

Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, mamayang hapon pa kasi inaasahang makakabiyahe ang ilan sa ating mga kababayan dahil papasok pa sila sa kanilang mga trabaho ngayong araw na deklaradong special working holiday.


Aniya, maglalaro sa 80,000 hanggang 90,000 ang bilang ng mga pasaherong inaasahan nilang dadagsa sa PITX ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Samantala, hanggang kahapon ng tanghali, nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 27,579 outbound passengers at 23,298 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Facebook Comments