Mga pasaherong magsisipag-uwian ng probinsya, patuloy sa pagdagsa; bus sa ilang terminal sa Kalakhang Maynila – kinakapos na

Manila, Philippines – Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pasaherong magsisipag-uwian sa kani-kanilang probinsya ngayong Semanta Santa, kinakapos na ng mga bus sa ilang terminal sa kalakhang Maynila.

Sa terminal ng Florida GV bus line sa Sampaloc, Maynila, halos nagkagulo na ang mga pasaherong walang masakyan dahil nagkaubusan na ng bus.

Ayon kay administrative aide Jessie Calacal ng Regional Law Enforcement Unit ng LTO-NCR, ginagawan na ng paraan ng pamunuan nito para agad na makabalik ang mga bus sa terminal.


Tiniyak din nito na mabibigyan pa rin ng sapat na panahon ang mga bus na masuri bago bumalik sa biyahe para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ngayong araw, inaasahang mas dadami pa ang dadagsang pasahero lalo’t ito ang huling araw ng trabaho sa mga opisina.

Facebook Comments