Mga pasaherong sasakay ng eroplano, pinayuhang mag-online check in

Pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasaherong sasakay ng eroplano na mag-online check in.

Layon nito na maiwasan ang mahabang pila sa airport ngayong holiday season.

Pinayuhan din ng MIAA ang mga pasaherong sasakay sa domestic flights na dapat nasa airport na sila dalawang oras bago ang kanilang flight.


Habang tatlong oras naman para sa mga pasaherong sasakay sa international flights.

Dapat ding alamin ng maaga ng mga pasahero kung saang NAIA terminal ang kanilang departure.

Facebook Comments