Mga pasilidad sa New Bilibid Prison, nakahanda laban sa paglaganap ng dengue

Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na nakatutok ang ahensiya sa kaayusan at kalinisan sa loob ng mga pasilidad sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kaugnay ito ng tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa.

Sinabi ng BuCor na mas pinaigting nila ang health services monitoring para sa mga PDL, prison guards at mga kawani ng BuCor.

Wala pang naitatalang record ng dengue case sa New Bilibid Prison sa ngayon maging nung nakaraang taon at pinapanatili ng BuCor ang kalinisan sa lahat ng pasilidad sa loob ng New Bilibid Prison.

Facebook Comments