Mga pasyenteng symptomatic o may sintomas ng COVID-19, ipaprayoridad sa isasagawang mass testing

102

Prayoridad sa isasagawang mass testing ngayong buwan ang mga pasyenteng symptomatic o may sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroon pa ring protocol na kailangang sundin sa isasagawang mass testing kaya hindi lahat ng tao sa bansa ay sasailalim dito.


Gayunman, pag-uusapan pa, aniya, sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iba pang mga hakbang para sa mass testing.

Una nang sinabi ni Presidential Peace Adviser at National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na maisagawa ang mass testing simula April 14.

Facebook Comments