Mga patay na baboy mula sa tumagilid na truck sa Navotas, pinagkaguluhan

44

Dinumog ng mga residente ang 40 baboy na namatay matapos tumagilid ang sinasakyang truck sa Road 10 sa Navotas kaninang umaga.

Nasa 160 baboy ang karga ng truck nang mangyari ang aksidente.


Ang ilan sa mga residente, doon na mismo sa lugar tinadtad at pinaghatian ang mga baboy.

Nagbabala naman ang isang beterinaryo sa pagkain ng nasabing baboy dahil maituturing na itong “hot meat” at hindi na maaaring ibenta.

Facebook Comments