MGA PDL SA DAGUPAN CITY NA NATURUKAN NG BOOSTER SHOT NASA 80% NA

47
Nasa 80% na ang mga naturukan ng booster shot sa hanay ng Persons Deprived with Liberty o PDL sa Female Dorm ng BJMP Dagupan City.
Ayon kay Noemi Sabalbro, ang Jail Senior Inspector ng City Jail Warden sa Dagupan City, dahil din sa suportang ibinibigay ng City Health Office at wala namang naitalang adverse effect matapos mabakunahan ang mga ito.
Dagdag pa nito, sa ilalim ng kanyang administrasyon wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga ito.

Samantala, dahil may banta parin ng pandemya nagpapatuloy ang kanilang mga aktibidad upang mapanatili ang kanilang malusog na pangangatawan at malakas na resistensya. | ifmnews
Facebook Comments