Mga pekeng pera nasabat

91

Nakakumpiska ang mga tauhan ng Pasay City Police District ng bundle bundle na pekeng pera.

Ang pekeng tig iisang daang dolyar na pera ay nasabat ng mga otoridad sa 2 koreano at isang pinoy sa operasyon nila sa Newport Pasay city kagabi.


Sa kabuuan, nasa $288,700 o katumbas ng halos P15M ang nakuha kina Fernando Silanga at 2 Koreano habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasabwat na kinilalang si James Park.

Sa inisyal na imbestigasyon nakatanggap ng tip ang secuirty guard ng isang hotel & casino sa Newport city at sinabing may 4 na lalaki ang nakikipag transaksyon sa naturang hotel & casino gamit ang mga pekeng pera.

Agad kumilos ang security ng nasabing hotel & casino katuwang ang Pasay City Police dahilan para maaresto ang mga suspek.

Lumalabas na pareho pareho ang serial number ng mga pekeng pera na nakumpiska nila sa mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers