Mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas, binakunahan na rin

25

Inumpisahan na rin ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang pagbabakuna sa mga persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo.

Aabot sa mahigit 700 PDLs ang nabigyan na ng first dose ng Sputnik V.


Sunod na babakunahan ang mahigit 100 PDLs na nasa Malabon City Jail – Female Dormitory.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, high risk na mahawaan ng COVID-19 ang mga PDLs dahil sa limitadong espasyong kanilang ginagalawan.

Kaya para mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan na maging hotspot ng sakit ang kanilang mga detention cell ay kailangan na agad ring silang mabakunahan.

Facebook Comments