Mga Pilipino, dapat masanay nang mamuhay na may banta ng COVID-19 ayon sa DOH

69

Kinakailangan na nating masanay na mamuhay nang may banta ng COVID-19.

 

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) sa gitna ng unti-unting pagluluwag ng quarantine restrictions sa bansa.

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito rin ang dahilan kung bakit isinailalim na sa COVID-19 Alert Level System ang buong bansa at wala nang malawakang pagpapatupad ng kagaya noon na community quarantine.


 

Iginiit ni Vergeire na malaking tulong din ang mas marami nang Pilipino ngayon ang bakunado kontra COVID-19.

Facebook Comments