Mga Pilipinong maaaktuhan sa mga POGO hub, kakasuhan na rin ng PAOCC

Screenshot from RTVMalacañang

Kakasuhan na rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga Pilipinong maaaktuhan sa mga sinalakay na illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at scam hubs.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, kung dati ay tinuturing na biktima ang mga Pinoy at ginagamit ang terminong “rescued” sa mga operasyon, ngayon ay ituturing na rin silang suspek.

Nais nilang na maging babala ito sa iba pang patuloy na nagtatrabaho sa mga iligal na operasyon.


Samantala, nanawagan naman si Casio sa lokal na pamahalaan ng Makati at Parañaque dahil marami silang natatanggap na ulat tungkol sa mga scam hubs sa lugar.

Nabatid na kabilang sa kinasuhan ng PAOCC ang nasa 114 na mga Pinay na kasamang naaresto sa sinalakay na online lending application sa Makati kamakailan.

Para kay Casio, hindi sapat na idahilan ang paghahanapbuhay kung ang trabaho ay sangkot sa paggawa ng krimen.

Facebook Comments