Mga Pilipinong mangingisda ng lumubog na fishing boat sa Recto Bank, inaasahang darating ngayong araw sa Mindoro

96

Inaasahang darating na ngayong araw sa Mindoro ang mga Pinoy crew ng lumubog na bangkang pangisda matapos banggain ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sinundo na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang 22 Pinoy crew ng F/B Gimver 1.


Ayon kay Jimwel Tañedo, ikinuwento sa kaniya ng kaniyang pinsan na kapitan ng fishing boat na si Jonnel Insigne na matapos silang magkabanggaan ay biglang nagpatay ng ilaw ang Chinese fishing vessel.

Facebook Comments

From Advertisers