Mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore, pumalo na sa 32

112

Nagpositibo sa COVID-19 ang 32 Pinoy sa Singapore.

Sa nasabing bilang, 26 pa ang ginagamot sa ospital habang anim na Pinoy na ang gumaling at nakalabas na ng pagamutan.


Payo ng embahada sa mga Pinoy sa Singapore, manatili lamang sa kanilang mga tinitirahan kahit pa araw ng pahinga at iwasan munang pumunta sa mga pagtitipon.

Kaugnay nito, mino-monitor naman ng Philippine Embassy sa Malaysia ang kalagayan ng 55 Pilipinong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Envoy Charles Jose, siyam sa mga ang gumaling na sa COVID-19 habang 46 ang ginagamot pa sa mga ospital.

Tiniyak rin ni Jose, tutulong sila sa pagpapauwi sa mga ito pabalik sa Pilipinas oras na matapos nila ang kanilang COVID-19 treatment.

Facebook Comments