![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2024/06/8-3.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Pilipino sa Armenia.
Sa harap ito ng patuloy na pag-igting ng mga protesta sa capital na Yerevan.
Pinapayuhan din ng embahada ang mga Pinoy roon na iwasan ang pagtungo sa matataong lugar at huwag makilahok sa mga kilos-protesta.
Hinihimok din ang mga Pilipino sa Armenia na iwasang mag-post ng komento sa social media hinggil sa sitwasyon ng politika roon at kapag sila ay nasa panganib ay agad na tumawag sa hotlines ng Philippine Embassy.
Facebook Comments