Mga Pinoy sa China, pinayuhan ng DMW na manatiling kalmado sa harap ng bantang pagsakop ng China sa Taiwan

Pinayuhan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan at ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas na manatiling kalmado.

Sa harap ito ng sinasabing posibleng pagpasok ng puwersa ng China sa Taiwan.

Ayon kay Cacdac, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang proteksyon at kapakanan ng OFWs.

Nakikipag-ugnayan na rin anila sila sa Manila Economic and Cultural Office para sa contingency plan sakaling kailanganin.

Patuloy din aniyang mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang sitwasyon sa Taiwan.

Facebook Comments