Mga Pinoy sa New Zealand, pinag-iingat kasunod ng mass shooting

79

Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas ang nasa 5,000 Pilipino sa Christchurch, New Zealand na manatiling nasa ligtas na lugar.

Ito ay kasunod ng nangyaring mass shooting sa dalawang Mosque na ikinasawi ng nasa 49 na katao.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatutok na ang Philippine Embassy sa Wellington sa sitwasyon.

Nakikipag-ugnayan na si Ambassador Jesus Gary Domingo sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch, maging sa Filipino community sa lugar.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Pilipinas sa New Zealand.

 

Facebook Comments