Mga Pinoy sa UAE, makatatanggap ng libreng COVID vaccines

37

Maaaring mag-avail ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa United Arab Emirates (UAE) ng libreng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana, hinihikayat ng Abu Dhabi Health Department at Abu Dhabi Public Health Center ang publiko na magpaturok ng Sinopharm nang libre sa pamamagitan ng pag-book ng appointment sa Abu Dhabi Health Services (SEHA).


Ang two doses ay may 21 araw na pagitan ang Sinovac vaccines at unang idineklara ng UAE Ministry of Health and Prevention (MOHAP) bilang 86% na epektibo.

Nanawagan si Quintana sa daan-daang Pilipinong nasa UAE na mag-ingat at sundin ang COVID-19 precautions para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng Dubai ang rollout ng libreng Pfizer-BioNtech vaccine ng Dubai Health Authority (DHA).

Facebook Comments