Mga Pinoy seafarers, may libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2

Magbibigay ng libreng sakay ngayong araw ang Department of transportation (DOTr) sa MRT-3 at LRT-2 para sa mga marinong Pilipino bilang pakikiisa ng ahensya sa taunang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.

Ang libreng sakay ay magsisimula mula alas-5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng MRT-3 at LRT-2.

Kailangan lang ipakita ng pasahero ang Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o PRC ID sa ticket seller o sa security guard sa istasyon sa service gate upang ma-avail ang libreng sakay.


Facebook Comments