Mga POGO, hinimok na isailalim sa test ang kanilang mga empleyado laban sa sa nCov

Pinayuhan ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa na magsagawa ng sariling test sa kanilang mga Chinese employees laban sa novel corona virus.

 

Ito ay para matiyak at mapahupa na rin ang pangamba ng publiko na posibleng kumalat ang sakit sa Pilipinas dahil sa pagdami na rin ng POGO sa bansa.

 

Ayon kay Defensor, pwede namang hindi kailanganin ang test dahil sila ay andito lang naman sa Pilipinas.


 

Ang dapat aniyang isailalim sa mahigpit na screening at monitoring ay iyong mga bagong POGO workers na mula China at Hong Kong na kararating lamang sa bansa.

 

Pero para matiyak na hindi carrier ng sakit ang mga POGO workers na naririto na sa Pilipinas ay dapat magkusa ang mga POGO employers na i-test ang kanilang mga empleyado.

 

Sinabi naman ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na turuan na rin ang mga POGO employees ng dapat gawin at bigyan ng health advisory para alam na nila ang gagawin laban sa nCov.

Facebook Comments