Mga polisya ng administrasyon para mapababa ang inflation, nagbubunga na

Bingyang-diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na napatunayan ngayon na nagbubunga na ang mga ipinatupad na polisiya ng administrasyong Marcos upang matugunan ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Pangunahing inihalimbawa ni Romualdez sa mga epektibong hakbang ng pamahalaan ang pagtapyas sa taripa sa imported na bigas at ang pagtatakda ng maximum retail prices para sa bigas at iba pang pagkain.

Mensahe ito Romualdez kasunod ng paghupa ng headline inflation sa 1.8% nitong marso.

Buo ang pag-asa ni Romualdez na patuloy pang babagsak ang inflation rate o mananatiling mababa sa 2%.

Nakakatiyak si Romualdez na ang pagbagal ng inflation ay makakabawas sa problema sa gastusin ng mamamayang pilipino.

Nangako din si Romualdez na patuloy na tutulong ang Kamara sa ehekutibo para labanan ang inflation sa pamamagitan ng pagpasa ng mga kailangang panukalang batas at pagtupad sa oversight power nito.

Facebook Comments